Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano na ang ginagawa ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na alam ko kung sino ako at alam ko na kung ano ang tama sa mali. Pero bakit sa tuwing gumagawa ako ng mga desisyon hindi ko pa rin maiwasang piliin ang alam ko namang mali. Siguro dahil nagiging makasarili ako at sarili ko lang ang iniisip ko, dahil gumawa ako ng desisyong alam kong makakabuti para sa akin. Pero ang totoo gusto ko lang protektahan ang sarili ko sa mga taong gustong manakit sa akin. Dahil hindi sa lahat ng oras kaya kong manindigan, hindi sa lahat ng oras kaya kong lumaban at tao lang din naman ako. Nasasaktan din kagaya mo.
Hindi naman bato ang puso ko. Sadyang may mga bagay lang talaga dito sa mundo na hindi ko kayang ipaglaban. Hindi ko alam kung hangang saan ang kaya ko at takot ako para subukan dahil ayokong malaman. Ayokong masaktan. Pero gusto kong masubukan. Paano kaya iyon? Sana hawak ko ang mga kasagutan sa mga tanong kong iyan.
Habang tumatanda at nagkakaedad tayo, lumalaki at dumadami din ang ating mga problema. Sabi nila kapag wala kang problema, abnormal ka daw o kaya naman ay isang musmos na bata ka pa lamang. Pero kahit nga bata ay may problema na. Problema kung paano sila mabubuhay dahil ang kanilang mga magulang ay hindi sila mabigyan ng magandang buhay, magarang damit at masasarap na pagkain na dapat ay pinoproblema ng kanilang mga magulang. Hindi ko lubos maisip na sa haba ng panahon, lalong paliit ng paliit ang tyansang mawala ang ating mga problema.
Tayo lang din naman daw ang gumagawa ng problema kaya't tayo lang din ang may solusyon. Pero sa napakaraming solusyon, hindi na natin makita ang tama at ang nararapat na gawin. Bagkus, naisasantabi na natin ang mga bagay na ito dahil mas nakatuon tayo sa mas importanteng parte sa ating mga buhay. Sadyang napakahirap ng buhay. Sabi nga nila "Life is Unfair". But wouldn't it be fair because all of our lives are unfair? Come to think of it.
No comments:
Post a Comment